Alam mo ba na kahit bata ay maaring maglingkod sa Misa?
Halina’t basahin ang kuwentong ito tungkol sa isang pianistang nagsilbi sa kanilang parokya mula nang siya ay isang paslit.
Ito ay rekomendado sa mga batang edad 5 pataas.
*****
Ang aklat na ito ay hango sa buhay ng isang batang nagngangalang Yanthy. Limang taon lamang siya noong gawin niyang layunin na matutong mag-piano upang makapagsilbi sa kanilang parokya tuwing Misa kapag walang ibang pianista na maaaring tumugtog.
Nagsimula siyang sanayin ng nakatatandang pianista ng kanilang parokya noong siya ay anim na taong gulang pa lamang. Binibigyan siya ng pagkakataon na tumugtog ng paisa-isa o dalawang kanta sa Misa habang pinapanood siya nito sa tabi.
Sa edad na pitong taon, pormal na nagsimula siya bilang pianista sa Misa ng kanilang parokya sa Misang idinaos para sa kanyang ika-7 kaarawan. Tinugtog niya ang mga kanta mula sa simula ng Misa hanggang sa huli. Simula noon, nagsisilbi na siya sa kanilang parokya bilang pianista sa mga pang-araw-araw na Misa at kapag Linggo.
Si Yanthy ay isa nang teenager ngayon na nagsisilbi bilang pianista ng 2 parokya (Mary, Mother of Good Counsel at Padre Pio) sa Parañaque.
Reviews
There are no reviews yet.